BACOLOD CITY—Patay ang 23-anyos na engineering graduate makaraang mabangga ng truck ang tricycle na kanyang sinasakyan sa Circumferential Rd., Barangay Alijis, Bacolod City.

Ang biktima ay kinilalang si Prince Joaquin Relatos, residente ng Barangay Mansilingan, Bacolod City at nagtapos sa kursong BS Civil Engineering sa University of Negros Occidental-Recoletos ngayong taon lamang.

Galing sa training si Relatos at pauwi na sana nang mahagip ng sinasabing pick-up ang sinasakyan nitong tricycle.

Sumusunod ang truck na may kargang tubo kaya’t nabangga nito ang tricycle.

Dahil sa maraming sugat na natamo, agad na binawian ng buhay si Relatos.

Sugatan naman ang driver ng tricycle na kinilalang si Wilmar De Asis.

Sa ngayon, tinutukoy pa ng Bacolod Police Station 7 ang sinasabing pick-up na nakahagip sa tricycle.

Nakakulong naman sa ngayon ang driver ng truck na si Rene Codigo, residente ng Cadiz City, Negros Occidental.