-- Advertisements --

Pinaalalahanan ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang mga employers na tiyaking makakatanggap ang kanilang mga empleyado ng separation pay kailangan talagang tanggalin ang mga ito sa kanilang trabaho bilang resulta ng epekto ng COVID-19 crisis.

Sinabi ng kalihim na humigit kumulang 2.7 million inidbidwal sa bansa ang pansamantalang hindi nakakapagtrabaho o nasa ilalim ng flexible working arrangements dahil sa umiiral pa ring krisis na dulot ng pandemya.

Samantala, mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, nasa 70,000 empleyado ang nawalan ng trabaho, habang nasa 200 business establishments naman ang tuluyan nng nagsara dahil sa COVID-19 pandemic, ayon kay Bello.

Ilang kompanya aniya ang nauna na nang nagsabi sa Department of Labor and Employement (DOLE) na magbabawas sila ng mga empleyado.

Kabilang na aniya rito ang mga major airlines tulad ng Cebu Pacific at Philippine Airlines, gayundin sa ilang mga hotels na naging limitado ang operasyon dahil sa COVID-19 crisis.

Sa kabila nito, sinabi ni Bello na patuloy na sinisikap ng DOLE ang kanilang makakaya maprotektahan lamang ang kapakanan ng mga manggagawa sa bansa.