-- Advertisements --

Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyong Emong, na kasalukuyang namataan sa layong 175 km kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.

Ayon sa huling tala, halos hindi kumikilos ang bagyo, ngunit nananatili itong malakas sa taglay na maximum sustained winds na 120 km/h at bugso ng hangin na umaabot sa 150 km/h.

Signal No. 3

Nasa ilalim ng babalang ito ang ilang bahagi ng Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, at Abra. Inaasahan ang matinding ulan at malalakas na hangin na maaaring magdulot ng pinsala sa mga bahay, imprastraktura, at taniman.

Signal No. 2

Mas malawak na mga lugar ang sakop nito gaya ng buong Ilocos Norte, nalalabing bahagi ng Abra, ilang lugar sa Mountain Province, Ifugao, Kalinga, Benguet, Nueva Vizcaya, at mga bayan sa hilagang Cagayan kabilang ang Babuyan Islands. Maaaring magdulot ito ng pagkansela ng klase at pagbabantay sa mga low-lying areas na madaling bahain.

Signal No. 1

Sakop nito ang Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan, Isabela, Quirino, Zambales, Tarlac, at Nueva Ecija, kung saan inaasahang makakaranas ng maulap na kalangitan at pag-uulan.

Pinapayuhan ang lahat ng apektadong lugar na mag-ingat, maghanda sa posibleng epekto ng bagyo, at sundin ang direktiba ng lokal na pamahalaan. Ang mga residente sa coastal at mountainous areas ay pinag-iingat sa posibleng landslide, storm surge, at pagbaha.