-- Advertisements --
Lalo pang bumilis ang tropical depression Emong habang naghahatid ng ulan sa ilang bahagi ng Luzon.
Ayon sa Pagasa, ngayong gabi ang pinakamalapit na lokasyon nito sa extreme Northern Luzon.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 215 km sa silangan hilagang silangan ng Calayan, Cagayan.
Patungo ang direksyon nito sa hilagang kanluran sa bilis na 45 kph.
Taglay pa rin ng naturang sama ng panahon ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Nakataas ngayon ang tropical cyclone wind signal number one (1) sa Batanes at northeastern portion ng Cagayan, kasama na ang Babuyan Islands.