Nilinaw ngayon ni Presidential Spokesman Harry Roque na bagama’t nagsabi si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat muna ipatupad ang Motor Vehicle Inspections System (MVIS), kinakailangan pa ring magsumite ng emission clearance o MVIS sa pagpaparehistro ng saskayan.

Sinabi ni Sec. Roque, ang magandang balita alinsunod sa naging utos ni Pangulong Duterte, ang mga operators ng private motor vehicle inspection centers ay nagsabing ang singil nila ay kapareho lamang ng emission test na P600.

-- Advertisement --

Ayon kay Sec. Roque, kaya may opsyon ang may-ari ng sasakyan kung emission clearance o MVIS ang kanyang isusumite sa Land Transportation Office (LTO).
Hindi raw pwede na walang isusumiteng anumang clearance sa pagpaparehistro ng sasakyan.

Sa halagang P600, sasailalim ang sasakyan sa 73 road worthy inspection check.

“Sa iba naman pong balita, meron tayong clarification. Bagama’t ang Pangulo po ay nagsabi na hindi dapat ipatupad ang Motor Vehicle Inspection, kinakailangan pa rin po na magsubmit ng either ‘yung emission clearance or MVIS. Ang mabuting balita ngayon, alinsunod sa nagin order ng ating Presidnete, ang mga operators ng private motor vehicle inspection centers ay nagsabi na ang singil nila ay kapareho lamang ng emission test na 600 pesos,” ani Sec. Roque.