Iniulat ng Embahada ng Pilipinas sa Jakarta, Indonesia at Philippine Consulate General sa Manado na walang mga Pilipino ang apektado sa sumiklab na kilos protesta nitong nakalipas na linggo.
Sa kabila nito, inaabisuhan ng mga kaukulang ahensiya ang mga miyembro ng Filipino community (FilCom) sa naturang bansa na mag-ingat at iwasan ang mga lugar ng kilos protesta.
Nakikipag-ugnayan na rin ang Embahada at Konsulada sa mga lider ng FilCom at patuloy na minomonitor ang mga kaganapan doon.
Maigting ding nakamonitor ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga protesta.
Pinapayuhan naman ang mga Pilipino na maaaring kontakin ang Embahada at Konsulada sa kanilang Assistance to nationals number para sa anumang concerns sa pamamagitan ng WhatsApp: +62811887334 o Duty Phone (Bahasa Indonesia): +62 811-4321-132 o Duty Phone (ATN): +62 811-431-130.
Matatandaan, sumiklab ang mga protesta sa Indonesia noong nakaraang linggo matapos ang ilang buwang suliranin may kinalaman sa ekonomiya at pulitika sa naaturang bansa kasunod ng mga napaulat na mahigit 500 parliamentarians ang nakatanggap ng napakalaking housing allowance maliban pa sa kanilang mga sahod.