Nanawagan si outgoing PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng miyembro ng PNP na magkaisa sa likod ng magiging susunod na PNP Chief na si Lt.Gen. Dionardo Carlos.
Ayon kay Eleazar, taglay ni Carlos ang lahat ng qualification para sa pinaka mataas na posisyon sa PNP at nakita ng Pangulo sa kaniya ang lahat ng criteria.
Binati ni Eleazar si Carlos sa kaniyang promosyon kasabay ng pag-alok ng anumang maitutulong niya bilang dating hepe ng PNP.
“The President has decided, now is the perfect time for the PNP to express our unity and solidarity behind the chain of command as we welcome a new leader who will ensure continuity of command in our organization,” pahayag ni Gen. Eleazar.
Sinabi ni Eleazar na bilang kanyang Chief, Directorial Staff, si Lt. Gen. Carlos ang naging instrumento ng pagsulong ng Intensified Cleanliness Policy sa PNP.
Si Eleazar ay bababa sa pwesto ngayong Biyernes, Nobyembre 12, isang araw na mas-maaga sa kanyang mandatory retirement sa Sabado pagsapit ng kanyang ika-56 na kaarawan.
“The mission ahead is as huge as the responsibility that rests on the shoulders of General Carlos. I wish him all the best in the new post even as I offer myself in my humble capacity as a retired PNP Chief in whatever assistance I can provide,” dagdag pa ni Eleazar.