-- Advertisements --
Pinangunahan ni Filipino Olympian at pole vaulter EJ Obiena ang torch relay at pag-iilaw ng cauldron bilang bahagi ng pormal na pagbubukas ng UAAP Season 88.
Ginanap ito sa host school na University of Santo Tomas (UST) na mayroong tema na “Strenght in Motion”.
Sinabi ni Obiena, na masaya siyang bumalik muli sa UAAP kung saan dito nagsimula ang kaniyang karera.
Inalala pa niya noong bata pa siya na sumasabak para makapag-deliver ng puntos at naniwalang kaya niyang makapag-kontribute.
Kasama nito sa torch relay sina UST basketball champion Jervy Cruz, volleyball star Sisi Rondina, at martial artist Sydney Sy.