-- Advertisements --

Iniulat ng Manila Public Information Office ang kanilang real-time CCTV monitoring sa ilang pangunahing lansangan sa Maynila na kasalukuyang nakararanas ng pagbaha ngayong umaga.

Batay sa huling tala ng Manila PIO bandang alas-8:00 ng umaga, nakapagtala ng baha na gutter-deep o gutter level sa mga sumusunod na lugar:

* Quirino Station (walkway)
* Taft Avenue – NBI
* Pedro Gil (walkway)
* Taft Avenue – Padre Faura
* Quirino Station (nakaharap sa V. Cruz)

Pinapayuhan ang mga motorista at mga dumadaan sa mga nasabing lugar na mag-ingat at asahan ang posibleng aberya sa daloy ng trapiko dulot ng tubig-baha.

Maging sa ibang bahagi ng National Capital Region ay may mga natukoy ding pagbaha na nagresulta sa pagbagal ng daloy ng trapiko.