-- Advertisements --

Nakasungkit ng gintong medalya si Pinoy Olympian EJ Obiena sa nagpapatuloy na Southeast Asian Games pole vault event sa Thailand.

Tinalo ng World number 11 na si Obiena ang pambato ng Thailand na si Amsam-ang Patsapong.

Nagwagi naman ng bronze medal ang kapwa Pinoy na si Elijah Cole.

Ito na ang pang-apat na sunod na gintong medalya ni Obiena sa SEA Games na ang una ay noong 2019 na ginanap sa Pilipinas.

Nagkamit din ito ng SEA Games record sa clearance ng 5.70 meters kung saan binura nito ang sariling record ng 0.05 na nagawa noong 2023.