Balik sa pagiging numero uno sa Billhboard Hot 100 chart ang kantang “Dynamite” ng Korean group na BTS.

Mula kasi noong Setyembre 5 hanggang Setyembre 12 ay nanatili ito sa numero uno.

Bumagsak lamang ito sa number 2 noong Setyembre 13 hanggang mahigit dalawang linggo.

Dahil sa pagkakaroon ng 14 million streams at 152,000 downloads noong Setyembre 24 ay bumalik na ito sa numero uno.

Pasok rin ito sa ikalimang magkakasunod na linggo sa No. 1 sa Digital Song Sales chart ng Billboard.