CAGAYAN DE ORO CITY – Gagawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ng ‘Order of Lapu-Lapu Merit’ ang pitong kawal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kinilabangan ng apat mula sa Philippine Air Force at tatlo galing Philippine Army na lahat nasawi habang nasa misyon nang bumagsak ang sinakyang Huey chopper sa mabundok na bahagi ng Impasug-ong,Bukidnon.
Inamin ng Commander-in-Chief ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na nakatakda sana nitong bibisitahin ang mga burol ng mga sundalo nang inakala niya na iniligay lamang sa isang lugar pagkatapos ma-extract ang mga ito sa pinangyarihan ng trahedya.
Inihayag ni Duterte na nakikidalahamti ito sa mga pamilya ng mga biktima kaya nag-desisyon na puntahan ang 4th ID,Philippine Army headquarters ng Cagayan de Oro para dadalaw at abutan ng inisyal na tulong.
Ang pagbibigay ng Order of Lapu-Lapu Award ay natatanging ipinagkaloob lamang ng isang upo na pangulo para sa lahat ng opisyal at empleyado ng gobyerno at pribadong indibidwal na kilalanin ang pambihira na serbisyo o kampanya na naka-linya sa Office of the President.
Magugunitang nagsagawa ng military supply delivery mission ang grupo ni Air Force Pilot Lt Arnie Arroyo nang umusok ang chopper at nawalan ng power habang nasa himpapawid dahilan na sumabog ito at walang nakaligtas kahit isa sa kanila.