-- Advertisements --
Suspendido muna ang lahat ng biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte patungo sa ibang mga bansa sa gitna na rin ng banta ng COVID-19.
Batay sa public advisory na inilabas ng Presidential Security Group (PSG), lahat ng foreign travels ni Pangulong Duterte partikular sa mga bansa na mayroong confirmed cases ng COVID-19 ay ipagpapaliban muna.
Ito ay alinsunod na rin sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH).
Isa sa mga inaasahang biyahe ni Pangulong Duterte ay pagtungo sa Vietnam para sa ika-36 na ASEAN Summit ngayong Abril.