Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabi na talamak pa rin ang korupsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang public address kagabi matapos ang meeting sa Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF).
Sinabi ni Pangulong Duterte, pangunahin dito ang mga project engineers na kasabwat ang mga tiwaling contractors.
Ayon kay Pangulong Duterte, walang konstruksyon na uumpisahan kung walang transaksyon o lagayan.
Kaya hinihikayat umano ni Pangulong Duterte ang Kongreso na busisiin ang mga proyekto sa ilalim ng DPWH para malaman ang sinasabi niyang transaksyon.
“Ito lang, itong mga contractor. The first whiff, makaamoy ka lang na hinihingian ka… Dito sa DPWH malakas ‘yan diyan. Projects, ‘yung mga project engineers, iyan, iyan lahat, road right-of-way, grabe ang corruption diyan. Walang — walang construction na uumpisa dito na walang transaction. Mayroon ‘yan,” ani Pangulong Duterte.
“If Congress would want really to know, ang mga project ng DPWH mayroon talaga ‘yan para sa give. Hindi ko — hindi ko alam kung sino. There are so many officials lined up in the bureaucratic maze so hindi ko alam kung sino diyan, pati ‘yung sa medisina and all.”