Haharap mamaya si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang one-on-one interview sa MalacaƱang.

Batay sa schedule, mismong si Presidential Spokesman Salvador Panelo ang mag-iinterbyu kay Pangulong Duterte.

Alas 5:30 mamayang hapon ang naka-schedule na interview ni Sec. Panelo kay Pangulong Duterte na sisentro sa iba’t ibang mga isyu na may kinalaman sa national interest at concern.

Ilalabas ang live interview sa government television station na PTV-4.