VIGAN CITY – Inaasahan umano ng Commission on Human Rights (CHR) na ilalatag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ang mga achievements nito sa loob ng kaniyang panunungkulan.
Maliban pa dito, alam na rin umano ng CHR na ilalatag ni Pangulong Duterte kung ano ang laman ng kaniyang legislative agenda lalo na kung ano ang mga batas na nais nitong ipasa ng Kongreso.
Ngunit, sinabi sa Bombo Radyo Vigan ni CHR spokeswoman Atty. Jacqueline de Guia na umaasa rin sila na ang mga batas na nanaiisin ng pangulo na maipasa sa 18th Congress ay kumikilala at magpapalawig pa ng karapatang pantao ng bawat Pilipino.
Aniya, hindi lamang umano dapat sa aspeto ng economic, social at cultural rights ang pagtuunan ng pangulo kung hindi pati na rin sa paggalang sa civil at political rights ng bawat isa.