Duterte podium seal
Pres. Duterte

Pinawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangamba ng marami dahil sa nararanasang banta ng coronavirus disease 2019 o CORONAVIRUS.

Sa kaniyang inilabas na mensahe, tiniyak nito ang gagawing pagsisilbi ng gobyerno sa taumbayan.

Dahil sa pagpasa ng kongreso ng Bayanihan bill ay makakatiyak ang marami na makakatanggap ang mga ito ng tulong mula sa gobyerno.

Nanawagan din ang pangulo sa mamamayan na manatili sa bahay para mapigilan na ang pagkalat ng coronavirus 2019 o COVID-19.