Hinikayat ni Pangulong Rodrgio Duterte ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na simplehan na lamang ang ginagawang pag-proseso nito sa payment claims ng mga ospital.
Kasunod na rin ito ng mga ulat mula sa ilang mga ospital na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakukuha ang kanilang reimbursement mula sa state-health insusrer.
Pagdating kasi sa paghahain ng claims ay binibigyan ang PhilHealth ng 60 araw sa pagproseso ng mga dokumento.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roquez, bagama’t mahaba ang naging eksplanasyon ng PhilHealth ay ipinag-utos pa rin ng Pangulo ang pagpapaikli, pagpapa-reconfigure, at pag-simplify ng mga requirements para sa settling ng claims. Kasama na rin daw dito ang pag-stretch sa limit ng late filing.
Hiniling din umano ni Pangulong Duterte na hayaan ang mga indigent patient na pumirma para kaagad na makauwi ang mga ito.
Nangako naman umano si PhilHealth CEO at President Dante Gierran na kakausapin nito ang board members para kaagad ipatupad ang direktiba ng presidente.
Samantala, kinumpirma naman ni Roque na nakatanggap ng bagong report ang Presidente mula sa inter-agency task force na nag-iimbestiga ng mga iregularidad sa naturang state-health insurer.
Nakapaloob dito ang bagong plano na maghain ng reklamo laban sa mga opisyal ng PhilHealth at medical practitioners na dawit sa anomaliya.