Kasabay nang paggunita ng Eid’l Fitr ngayong araw, nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapatid na Muslim na maging “agents of change” sa komunidad.
Sa isang statement, sinabi ni Pangulong Duterte na umaasa siya na ang “clarity of thought and wisdom” na nakuha ng mga ito makalipas ang isang buwan ng Ramadan ay magsilbing inspirasyon para isabuhay ang mga butihing aral sa Islamic faith.
“It is likewise my hope that your time in prayer has nourished your inner strength and fortitude to stay true to the inherent goodness of humanity as we shun the evils that permeate our society,” ani Pangulong Duterte.
“I trust that you will remain committed in breaking down barriers that divide and further estrange us from one another,” dagdag pa nito.
Idineklara ng Pangulo ang Mayo 25 bilang regular holiday sa buong bansa bilang pagdiriwang na rin sa Eid’l Fitr, o ang pagtatapos ng Ramadan ng mga Muslim.