-- Advertisements --

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) na ipamahagi na ang mga hawak nilang gamot na malapit nang mag-expire para hindi masayang ang mga ito.

Pahayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng ulat ng Commission on Audit (COA) na aabot sa P2.2 billion ang halaga ng mga gamot na hawak ng DOH na kung hindi expired ay overstock o malapit nang ma-expire.

Sinabi ni Sec. Roque, kinuha na niya ang panig ng DOH kaugnay sa COA report na ito.

Ayon kay Sec. Roque, batay sa datos ng DOH, ang expired na gamot na hawak ng tanggapan ay umaabot lamang sa P30 million, P1.2 billion naman ang overstock o slow moving habang nasa P1.2 billion naman ang malapit nang ma-expire.

Inihayag ni Sec. Roque na inatasan na rin ni Pangulong Dutete ang DOH na pabilisin ang paglalabas ng mga gamot mula sa mga warehouses para magamit na ng taongbayan ang mga ito.