-- Advertisements --

Inatasan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga kinauukulang ahensya at instrumentalities ng gobyerno na maging transparent sa publiko kaugnay sa mga developments sa new coronavirus o COVID-19.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang direktiba sa harap ng naglalabasang report na pagdami ng mga nagpo-positibo ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, karapatan ng bawat Pilipino na malaman ang tunay na sitwasyon at kaganapan sa nasabing health issue lalo kung mayroon ng local transmission ng COVID-19.

Ayon kay Sec. Panelo, ipinapaalala din ng Office of the President (OP) sa publiko na magpatupad ng protective measures para maprotektahan ang mga sarili mula sa virus gaya ng palagiang paghuhugas ng kamay, tamang cough etiquette at pagdistansya sa mga taong may respiratory illess symptoms.

Hinihikayat din ng Palasyo ang publiko na manatiling kalmado lalo sinusunod naman ng Department of Health (DOH) ang mga international protocols at patuloy na mino-monitor ang mga persons under investigation.

“At the very outset of the surge of news reports concerning COVID-19, the President has categorically mandated relevant instrumentalities of the government to be absolutely transparent to the Filipino people as regards this health issue, aware that we have the right to be informed of the conditions surrounding us. Local transmission, if and when it happens in the country, would thus be unequivocally reported to the people,” ani Sec. Panelo.

“The Office of the President finally wishes to remind the people to practice protective measures to guard themselves against COVID-19, such as frequent and proper hand-washing, observing proper cough etiquette and maintaining distance from individuals experiencing respiratory symptoms, among others. By performing these safeguards, we likewise do our share in our community’s fight against this disease.”