-- Advertisements --
Duterte vax naia

Pinangunahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsalubong nitong Lunes ng gabi sa pagdating ng 2.8 million doses ng Sputnik V sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Ang malaking bulto ng bakuna mula sa Russia ay binili ng gobyerno.

Nagbigay naman ng maiksing talumpati ang pangulo kung saan pinasalamatan niya ang Russia kasabay din nang panawagan sa publiko doon sa mga hindi pa nagpapabakuna.

“The government cannot do this alone, and we need your active participation by getting vaccinated and strictly following minimum health standards,” ani Duterte.

Samantala, kasama rin ng pangulo na sumalubong ay si Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov, Senator Bong Go, vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., DILG Secretary Eduardo Año, Presidential Assistant on Foreign Affairs Usec. Robert Borje, Health Usec. Ma. Carolina Vidal-Taiño, Philippine Archipelago International Trading Corporation Chairman Benito Yap Aw at PAITC President Olivia Limpe Aw.

Samantala ang latest delivery ng Sputnik V vaccine ay nagdagdag para umabot na sa 7.19 million ang natanggap ng bansa mula sa 10 million doses na inorder ng gobyerno ng Pilipinas.

SputnikV vax naia