-- Advertisements --
Personal na binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Jolo, Sulu.
Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, ang pagbisita ng pangulo ay para ipaabot ang pakikiramay sa mga nabiktima ng dalawang pagsabog na ikinasawi ng 15 katao at ikinasugat ng 75 iba pa noong nakaraang linggo.
Sinamahan siya ng nina Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, Senator Bong Go at ibang mga opisyal.
Nag-alay ng bulaklak ang pangulo sa blast site bago nagtungo sa Camp Teodolfu Bautista para bisitahin ang mga sugatan sa pagsabog.
Nakipagpulong din ang pangulo sa ilang opisyal ng lungsod.
Dagdag pa ni Roque, na agad bumalik sa Metro Manila matapos ang pagdalaw nito sa Sulu.