Pinayagan nang makabiyahe ang libo-libong pasahero matapos ang ilang araw na pagsara sa mga pantalan dahil sa matinding paghagupit ng Super Typhoon Uwan.
Batay sa report ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong araw, bumiyahe na ang mga ito, matapos bumuti ang panahon, at pinayagan ang regular shipping routes.
Sa kasalukuyan, tanging 807 katao na lamang ang natukoy na stranded mula sa dating halos 8,000 kahapon (Nov. 10)
Ang mga ito ay mula sa iba’t-ibang pantalan sa Central Luzon, Bicol Region, Southern Tagalog, at Northern Mindanao.
Wala na ring stranded na motorbanca ngayong araw at tanging walong vessel na lamang ang stranded.
Sa kabila ng pagbuti ng panahon, nananatiling naakikisilong ang halos 300 vessel at mahigit 70 motorbanca sa iba’t-ibang pantalan sa bansa.
















