Iginiit ng MalacaƱang na naninindigan umano si Pangulong Rodrigo Duterte na “black propaganda” lamang ang pagkakasama ni P/Col. Jovie Espenido sa sinasabing drug list na hawak ng PNP.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, naniniwala si Pangulong Duterte na paninira lamang ito kay Espenido at hindi ito sangkot sa iligal na droga.

Ayon kay Sec. Panelo, “unlimited” ang resources ni Pangulong Duterte kaya na-validate na niya ang lumabas na impormasyon kaya tiwala pa rin kay Espenido.

Sa kabila nito, hindi naman daw pipigilan ng MalacaƱang ang PNP maging ang DILG na magsagawa pa rin ng imbestigasyon laban kay Espenido.

Kung may maipapakita raw na ebidensya ang PNP laban sa kontrobersyal na police official, saka pa raw magbabago ang posisyon ni Pangulong Duterte.

-- Advertisement --