Hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging mapayapa ang paggunita ng mga Pilipino sa Araw ng mga Santo at Araw ng mga Patay.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte na nakikiisa siya sa pagdaraos ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Ayon kay Pangulong Duterte, sa mga ganitong panahon nabibigyan ang lahat ng pagkakataon na ipagdasal ang mga mga yumaong mahal sa buhay at gunitain ang mga alaala kasama sila.
Inihayag ni Pangulong Duterte na umaasa siyang ang okasyong ito ay magsisilbing inspirasyon para tibayan pa ng lahat ang pananampalataya.
Nawa’y maisulong pa rin aniya ang mga nakagawiang tradisyon ng mga Pilipino na nagbibigay daan sa pagbubuklod-buklod ng lahat.
Hinikayat naman ni Pangulong Duterte ang mga Pilipino na ituon ng bawat isa ang kanilang oras, kaalaman at kakayahan, tungo sa paghahatid ng positibong pagbabago sa lipunan at sa pag-abot sa mga mithiin na para sa mga Pilipino at bansa.