Duterte military uniform

DAVAO CITY – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nahihiya siya tuwing sasambitin ng mga tao ang salitang dynasty.

Ito umano ang dahilan na hinahamon niya ang opposition na magtayo ng matibay na partido upang may pagpipilian ang mga tao tuwing dumarating ang eleksyon.

Ito ang nasambit ni Pangulong Duterte matapos manumpa ang kanyang tatlong mga anak na siyang magpapatakbo sa lungsod ng Davao.

Kinabibilangan ito nina Davao City First District Representative-elect Paolo “Pulong”’ Duterte, Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio at Davao City Vice Mayor Sebastian “Basti” Duterte.

Payo na lamang ng Pangulo sa kanyang mga anak na manatiling mapagkumbaba at hindi aabusuhin ang nahawakang posisyon.

Seguruhin dindaw na maihatid ang tamang serbisyo sa mga mamamayan.

Iwasan din umano ang pagtanggap ng award sa mga nagawang accomplishments.

“Ako’y nahihiya kasi people keeps on repeating that phrase about dynasty. Totoo man yan masama man talaga na isang pamilya lamang ang magpapatakbo sa pamahalaan for so many years,” ani Pangulong Duterte.