Duterte speech China
Duterte

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa naganap na mass stabbing na ikinasawi ng isang bata ikinasugat ng 17 iba pa.

Sa kaniyang talumpati habang nasa Japan ang pangulo, hindi maiwasan ng pangulo na mabahala sa nasabing insidente.

Maging siya aniya ay nagulat sa pangyayari sa Kawasaki.

Magugunitang marami ang nasugatan ng bigla na lamang nag-amok ang isang lalaki at pagkatapos nito ay sinaksak din ang kaniyang sarili.