Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na kaniyang ibabasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitang ng Pilipinas at United States.
Ito ay matapos na makansela ang visa ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Sa kaniyang talumpati sa San Isidro, Leyte, sinabi nito na ito ang kaniyang gagawin kung sakaling hindi itama ng US ang ginawa nilang pagkansela ng visa ng senador.
Binigyan niya ng isang buwan ang Amerika na kaniya itong gagawin kung hindi aayusin ang ginawa nila kay Dela Rosa.
Binantaan din nito ang mga Senador ng Amerika na pagbabawal niya ang mga ito na makapunta sa Pilipinas.
Tinutukoy nito sina US Senator Dick Durbin, Patrick Leahy at Edward Markey na pinagbawalan si Duterte na magtungo sa Amerika kasama ang mga nagpakulong kay Senator Leila De Lima.