-- Advertisements --

Narekober na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga labi ng tatlo mula sa limang lulan ng motorbanca na tumaob sa may baybayin malapit sa Barangay Navotas, Cardona, Rizal na nangyari noong araw ng Martes, Hulyo 29.

Nasagip naman ng Coast Guard Station Rizal search and rescue team ang dalawang iba pa.

Ayon sa mga survivor, naglalayag sila patungong Pililla mula sa Barangay Subay, Cardona, Rizal nang masira ang right outrigger boom ng bangka na dahilan ng pagtaob nito.

Natukoy naman na ng kani-kanilang pamilya ang pagkakakilanlan ng mga nasawing biktima.

Itinurn-over na rin sa Municipal Police ang lahat ng mga labi para sa maayos na imbestigasyon at disposisyon.