-- Advertisements --
leni duterte
VP Leni and Pres. Duterte

Tahasang inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya pinagkakatiwalaan si Vice President Leni Robredo.

Ayon sa Pangulo, bukod sa pagiging oposisyon ay hindi niya kilala ang pangalawang pangulo.

Mula aniya ng italaga niya ito sa bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD) ay naging iba na ang pag-uugali.

Dagdag pa ng pangulo na mapanganib ang balak ni Robredo na makuha ang mga sensitibong impormasyon sa laban ng gobyerno kontra droga na makakaapekto sa relasyon ng bansa sa US at China.

Tanging trabaho aniya na dapat na gawin nito ay magbigay ng direktiba sa mga otoridad na nangangasiwa ng iligal na droga.

Magugunitang itinalaga ng pangulo si Robredo bilang co-chair ng ICAD noong Oktubre 31 dahil sa patuloy niyang pagbatikos sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.