-- Advertisements --

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangasiwaan ng kaniyang anak at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio ang paglaban sa iligal na droga sa bansa partikular na ang pagpapatuloy ng anti-illegal drug programs sa mga paaralan, ilang araw bago matapos ang anim na taon nitong termino.

Maalalang tinanggap ni VP-elect Sara ang alok na pamunuan ang Department of Education (DepEd) sa ilalim ng papasok na administrasyon.

Sinabi ni Pangulong Duterte kaniyang hinikayat si VP-elect Sara na tiyaking hindi makakapasok ang iligal na droga sa mga eskwelahan at hindi ma-expose ang mga estudryante sa iligal na droga.

Binigyang diin pa ni Pangulong Duterte ang kanilang babala hinggil sa banta ng illegal narcotics na maaaring makasira sa bansa.

Umapela rin si Duterte sa mga kapulisan at militar na ipagpatuloy ang momentum sa paglaban ng gobyerno sa illegal drugs at nangako ng full accountability na kaniyang poprotektahan ang mga law enforcers na masasampahan sa pagpatay sa mga drug suspects habang ginagawa ang kanilang tungkulin.