Personal na nakiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng yumaong si Elizabeth Gokongwei.

Alas-9:00 kagabi nang pumunta si Pangulong Duterte sa burol ni Ginang Gokongwei sa Heritage Park sa Taguig City.

Magugunitang si Ginang Gokongwei ang asawa ng business tycoon na si John Gokongwei Jr. na naunang pumanaw noong nakaraang linggo.

Sa statement ng pamilya sinabing namalaam si Ginang Gokongwei nitong Sabado sa edad na 85.

Ang pamilya nila ang may hawak sa JG Summit Holdings na may negosyo sa larangan ng transportasyon, food and beverage, retail, real estate, banking at iba pa.