-- Advertisements --
Pinasaringan ni Vice President Sara Duterte ang kasalukuyang administrasyon dahil sa panggigipit sa kanila.
Sa kaniyang talumpati sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng mga Filipino community sa Malaysia, na malinaw ang ginagawa ngayon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ginagawa nila ang lahat para mawala sa kanilang daan ang mga kontra sa kanila.
Itinuturing kasi ng administrasyon na balakid ang pamilyang Duterte sa mga masamang adhikain nila.
Isa sa mga inihalimbawas ng Bise Presidente ay ang pagpapakulong sa ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte.