Duterte 1
President Duterte/ FB image

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga negosyante na huwag samantalahin ang panahon lockdown dahil sa banta ng coronavirus.

Sa kaniyang talumpati, sinabi nito na hindi ito ang panahon para kumita at maging mapagsamantala.

Tiniyak din nito na ang galaw ng mga produkto ay hindi naantala.

May ipinapatupad na ngayon aniya na price freeze at mayroong mga kasong maaaring kaharapin ang mga nag-hohoard at pinagkakakitaan ang kasalukuyang sitwasyon.