Inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si human rights lawyer Chel Diokno na siyang nasa likod ng paglulunsad ng black propaganda laban sa gobyerno.
Kasunod ito ng pagdepensa ni Diokno sa isang lalaki na iniimbestigahan dahil sa pagpapakalat ng ‘fake news’.
Dagdag pa ng pangulo na kaya lumalabas ang kontra sa gobyerno dahil sa malapit na aniya ang eleksyon.
“Kayo nag-sige taga-takbo ng black propaganda kasi malapit na eleksyon. Sabihin ko ngayon sayo Diokno. Kapag iyang tao ang ipalit niyo sa sunod na eleksyon, torpe talaga ang Pilipino. Pranka. Wala na ako. Hindi na ako makialam.” wika ng pangulo.
Magugunitang nagpost si Diokno sa kaniyang social media ng subpoena ng kaniyang kliyente kahit na naglalabas lamang ito ng kaniyang hinaing sa gobyerno ngayong panahon ng coronavirus pandemic.