-- Advertisements --
Plano ng Pilipinas na mag-host ng Women’s Tennis Association (WTA 125) tournament.
Nagkakaroon na ng pag-uusap sa pagitan ng Philippine Lawn Tennis Association (Philta) at Philippine Sports Commission (PSC) para sa hosting ng torneo.
Target nila na maisagawa ito mula Enero 26 hanggang Pebrero 1.
Sinabi ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang tumatayong secretary general ng Philta, na sa pakikipagtulungan nila sa PSC ay mapapalakas ang larong tennis sa bansa.
Kasama rin pulong ang pagbubukas sa publiko ng Rizal Memorial Tennis Courts ganun din ang pagtatayo ng Philippine Tennis Center sa New Clark City.
Sakaling matuloy ay may tsansa si Pinay tennis star Alex Eala na maidepensa ang kaniyang titulo.