-- Advertisements --
Inamin ng White House na wala na silang magagawa na marami pang mga federal workers ang tatanggalin habang naka-shutdown ang gobyerno.
Sinabi ni White House Press Secretary Karoline Leavitt na ito ang kanilang paraan habang wala pang pampasahod ang gobyerno sa kanila.
Dagdag pa nito na nagsimula na ang ilang ahensiya na nagbawas ng mga federal workers ilang oras matapos magsimula ang government shutdown.
Una ng sinabi ni US President Donald Trump na kasalanan ng mga Democratic congressman ang pagkakaroon ng shutdown dahil sa hindi pag-apruba ng spending bill.