-- Advertisements --

Naglabas ng tsunami warning alert ang Philippine Institute of of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) matapos ang magnitude 6.7 na lindol na tumama sa Cebu.

Ayon sa PHIVOLCS na nakaranas sila ng minor sea-level disturbance.

Inaasahan ang malakas na sea currents at mabilis na pagbabago ng level ng tubig sa karagatan.

Dahil dito ay inatasan ng ahensiya ang publiko na lumayo sa mga karagatan ganun din ang mga mangingisda na pumalaot.

Maging ang mga naninirahan malapit sa karagatan ay kanilang pinalilikas.