Posible umanong mahikayat si Pangulong Rodrigo Duterte na bumiyahe ng Estados Unidos para dumalo sa US-Association of Southeast Nations (ASEAN) Summit.

Magugunitang mismong si US President Donald Trump ang nag-imbita kay Pangulong Duterte para sa nasabing pagpupulong.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, dahil ito ay ASEAN meeting, hindi imposibleng papayag na bumisita si Pangulong Duterte sa US.

Una ng inihayag ni Pangulong Duterte na wala siyang balak pumunta sa US sa loob ng kanyang termino kasunod ng pagbatikos ng Washington sa kanyang anti-illegal; drugs campaign.

“But given this is an ASEAN meeting of leaders, baka ma-persuade ang Presidente na um-attend,” ani Sec. Panelo.

Sa statement noong Linggo na Presidential Communications Operations Office (PCOO) naimbitahan si Pangulong Duterte na bumisita sa Las Vegas para sa US-ASEAN summit sa March 14.