-- Advertisements --

Harap-harapang kinastigo ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Sec. Francisco Duque III kaugnay sa pagkaantala ng pamamahagi ng financial assistance sa mga health owkrers na tinamaan ng COVID-19.

Sa kanyang public address sa Panacañang sa Panacan, Davao City, harapang sinabi ni Pangulong Duterte kay Sec. Duque na hindi katanggap-tanggap ang dalawang delay sa pagbibigay ng cash assistance sa mga apektadong health workers at ito ay nakapaloob sa “Bayanihan We Heal as One Act.”

Ayon kay Pangulong Duterte, inaatasan niya si Sec. Duque na bumuo ng isang team na tututok sa pamamahagi ng nasabing cash assistance at gusto niyang matapos ito sa loob ng 24 oras.

Kung bigo daw ang nasabing team, mag-takeover ang bagong grupo.

Dahil sa pagkadismaya, inihayag ni Pangulong Duterte na mayroon siyang kapangyarihang magtalaga at kapangyarihan ding magtanggal o mag-dismiss ng opisyal sa gobyerno.
“Dalawang buwan totally unacceptable to me,” ani Pangulong Duterte.