Kevin Durant 4

Biyaheng Toronto na ang Golden State Warriors para sa Game 1 and Game 2 finals nila ng karibal na Raptors.

Kahit na may strained right calf injury ay sumama pa rin sa biyahe si Warriors Most Valuable Player Kevin Durant.

Kung maalala natamo ni Durant ang injury sa Game 5 Western Conference semifinals nila ng Houston Rockets.

Sinabi ni Warriors coach Steve Kerr na kahit na nasa rehab process ang All-Star forward ay sumasali ito ng praktis.

Umaasa si Kerr na mabigyan na ng go-signal si Durant para makasama man lamang nila ito sa finals.

stephen curry 2

Hangad ng Warriors na makuha ang ikaapat na titulo sa loob ng limang taon habang ang Raptors ay target din ang unang kampeonato sa una nilang pag-usad sa NBA Finals.