Kevin Durant
Kevin Durant

Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 si NBA star Kevin Durant.

Ito mismo ang kinumpirma ng Brooklyn Nets star matapos na magpasuri.

Bagamat bumubuti na ang kaniyang pakiramdam ay kasalukuyan pa rin itong naka-quarantine.

Nanawagan ito sa mga fans na mag-ingat lagi at huwag balewalahin ang mga sakit.

Ibinunyag naman ng koponan na bukod kay Durant ay mayroong pang-apat na ibang mga manlalaro ang nadapuan ng COVID-19.

Nauna rito nadapuan ng virus sina Rudy Gobert at Donovan Mitchell ng Utah Jazz at Christian Wood ng Detroit Pistons.

Ang pagkalat ng deadly virus ay nagdulot nang pagkansela ng mga NBA games.