KD Durant Nets
Kevin Durant @BrooklynNets
-- Advertisements --

Nakaisa na rin nang panalo ang Brooklyn Nets matapos pahiyain ang Philadelphia Sixers, 114-109.

Bumawi ng panalo ang Nets matapos pangunahan ni Kevin Durant ang team nang magtala siya ng triple double performance.

Nagpakitang gilas ang dating MVP gamit ang 29 points, 15 rebounds at 12 assists.

Tumulong naman si James Harden sa kanyang 20 puntos upang makabangon sa unang talo sa opening ng bagong season ng NBA nitong nakalipas na araw.

Ang panalo ng Nets ay sa kabila na wala pa rin si Kyrie Irving dahil sa hindi pa rin nagpapabakuna.

-- Advertisement --

Sa kampo ng 76ers ay wala rin si Ben Simmons dahil sa problema sa team na hanggang ngayon ay wala pang kasiguraduhan kung kelan maglalaro ang three-time All-Star.