durant
Kevin Durant/ Photo courtesy of NBA

Nagpasabog ng 38 points si Kevin Durant upang akayin ang Golden State Warriors tungo sa 132-105 dominasyon sa Los Angeles Clippers at itakas ang 2-1 abanse sa kanilang serye.

Umalalay din para sa back-to-back NBA champions si Stephen Curry na kumamada ng 21 points.

Agad na sinimulan ng Warriors ang laro sa pamamagitan ng kanilang 22-9 bomba at nagtala ng 73% shooting sa first.

Bagama’t nakakuha ng tigdalawang foul sina Durant at Curry, hindi ito naging sagabal at lumikha pa rin ang Warriors ng 19-point lead.

Hindi naman nagbunga ang 16 points ni Lou Williams, maging ang 15 nina Montrezl Harrell at JaMychal Green mula sa bench para sa Clippers, na hindi rin nakatikim ng lamang sa alinmang bahagi ng laro.