curry durant thompson

Hindi pa makakapaglaro sa Game 4 bukas ng Sabado sa NBA Finals si Golden State Warriors superstar Kevin Durant dahil sa tinamo nitong right calf injury laban sa Toronto Raptors.

Sinabi ni Warriors head coach Steve Kerr, ayaw nilang isugal ang kalusugan ni Durant dahil hindi pa nagbibigay ng go-signal ang kaniyang doctor.

Pinawi naman ni Kerr ang kalungkutan ng kanilang fans dahil malaki na rin ang posibilidad na makapaglaro si Klay Thompson sa Game 4 matapos na hindi nakapaglaro noong Game 3 kung saan nagwagi ang Raptors, 123-109.

“Training staff said he’s not ready to play in a game yet, so that’s all,” ani coach Kerr.

Magugunitang hawak na ng Raptors ang 2-1 na kalamangan sa kanilang best-of-seven finals ng NBA Finals.