Tiniyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ligtas ang pagbibigay ng donasyon sa mga biktima ng bagyo sa pamamagitan ng Kaagapay Donations Portal ng DSWD.
Ayon sa kalihim, mas pinadali ng online platform na ito ang pagtulong sa mga pamilyang apektado at nakakaiwas pa sa panloloko.
Paliwanag niya, hindi direktang tumatanggap ng pera ang DSWD. Ang portal ay nagsisilbing tulay lamang para sa mga lehitimong lokal na pamahalaan at mga accredited na non-government organizations (NGO) na tumutulong sa panahon ng kalamidad.
Sa pamamagitan ng Kaagapay Portal, tiyak na makakarating sa mga nangangailangan ang tulong.
Mayroon ding opsyon sa portal para sa anonymous na pagdonasyon habang maaari namang magbigay ng tulong sa papamamagitan ng iba’t-ibang e-wallet account at bangko ng gobyerno.















