-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na buo ang kanilang suporta sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang paghahatid ng serbisyo sa lahat ng mga Pilipinong nasa laylayan.

Ang pahayag na ito ay ginawa mismo ni DSWD Secretary Rex Gatchalian bilang tugon sa panawagan ng Punong Ehekutibo.

Kabilang sa kanilang hahatiran ng mabilisang tulong ay mga mamamayan na kasama sa vulnerable at marginalized group
Batay sa datos ng ahensya, umaabot sa mahigit tatlong milyon ang family food packs stockpile ng DSWD.

Ayon kay Sec. Gatchalian, ito ang pinakamataas sa kasaysayan ng DSWD.

Nananatili rin aniyang committed ang ahensya sa paghahatid ng tulong lalo na sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Siniguro rin ang ahensya ang kahandaan ng kanilang mga programa para sa mga Pilipino katulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situation, Walang Gutom Program, at Pantawid Pamilyang Pilipino Program kung saan ito ay nakatuon lamang sa mga mahihirap.