-- Advertisements --

Matagumpay ang isinagawang Tara, Basa! Tutoring Program ng Department of Social Welfare and DevelopmentĀ kahapon.

Ang nasabing programa ay nasa ilalim pa rin ng educational assistance  ng DSWD.

Personal na nagtungo si DSWD Secretary Rex Gatchalian upang pangunahan ang paglulunsad ng Tara, Basa! Tutoring Program.

Ayon kay Gatchalian, ang programang ito ay mahalaga upang masolusyunan ang kasalukuyangĀ learning poverty na kinakaharap ng mga mag-aaral sa Pilipinas.

MakatutulongĀ dinĀ ito sa bawat estudyante mula kolehiyoĀ na magkaroon ng extra income.

Samantala, sa gaganaping naturang programang ay kukuha ng ahensya sa mga studentĀ mula sa mga piling pampublikong unibersidad sa Samar na siya naman gagawin bilang mga tagapagturo o tutor maging isangĀ development worker.

Kapalit ng kanilang serbisyo, sila ay mabibigyan ng educational support mula sa DSWD.

Batay sa datos, aabot sa 2k na mga estudyante sa elementarya na hirap magbasa ang matutulungan ng programa.

Aabot naman sa 200 tutors, at 40 youth development workers ang mabibigyan ng asistensya.