LAOAG CITY – Mariing kinondena ng Department of Social Welfare and Development ang paggamit ng isang babae sa kanilang logo para makapanlilang sa publiko sa pamamagitan ng pagtitinda sa mga relief goods umano ng ahensya na nagkakahalaga ng P15.5-milyon na piso.
Ayon kay Marie Angela Gopalan, ang Regional Director ng Department of Social Welfare and Development sa Region I, ang ni-raid na warehouse ng mga kasapi ng Criminal Investigation and Detection Group na naglalaman umano ng mga relief goods ay hindi ito warehouse ng nasabing ahensya.
Iginiit pa ni Gopalan na hindi konektado ang nahuling suspek sa Department of Social Welfare and Development.
Tiniyak ni Gopalan na nakahanda ang ahensya na tumulong sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group hinggil sa nasabing kaso bago magsagawa ng kaukulang hakbang ang kanilang ahensya.